Arci Munoz nag - INARTE sa FINAL JUDGEMENT?
NOW, ang pinagtataka namin, kung bakit napa-yagan si Arci Munoz na mag-inarte sa production nila ng avengers.
It has always been one of the most anticipated number sa Starstruck Final Judgment -- ang avengers song. Dito, the 12 avengers will do a parody of their losing all in the spirit of good fun.
For the first time in its three years history, may isang absent sa said production number, si Arci nga, so talagang siya ang hinahanap. Una, ang sabi sa amin, nagkasakit kung kaya't hindi nakahabol sa rehearsal.
Later on ay nakita naman namin siya sa big production ng lahat ng avengers from batches one to three hanggang sa final number ng kanilang batch ay present na siya. May nakapagsabi sa amin na inayawan niya raw ang spot number niya sa avenger song dahil it's about the computer issue.
Bakit naman si Jana Roxas, ginawa ito, bakit siya hindi? At bakit siya napayagan na mag-excuse for this? Nagsisimula pa lang siya as artista, ganito agad ang attitude niya? Pag ayaw niya, ayaw niya? Is this a good start for a pledging starlet like her?
SOURCE: Article by Dinno Erece of Taliba
StarStruck Sinabutahe???
Maraming nagtatanong kung anong nangyari sa final judgement ng StarStruck dahil brown out sa Navotas, Bulacan at ibang bahagi ng Quezon City during the final judgement ng StarStruck. Nakakaduda tuloy kung may sabotahe o wala pero wagi pa rin sa ratings ang StarStruck Final Judgement dahil nakakuha ito ng
32.7% against Pinoy Big Brother na nakakuha ng 18.1%.
Marky Cielo Tulala ng Manalo
Kahit nag-uulan sa Quezon City, Navotas at ibang lugar ng Metro Manila noong Linggo nang gabi, sinusuwerte ang Starstruck 3 dahil hindi umambon man lang sa Marikina. Maayos at successful ang final judgment ng Starstruck 3 na pinanalunan nina Marky Cielo (ultimate sole survivor) at Jackie Rice.
Parang tulala pa sina Marky at Jackie nang nakausap namin dahil parang hindi pa raw nag-sink in sa kanila ang kanilang pagkapanalo. Bandang huli na lang naiyak si Marky.
Sina Iwa Moto at Gian Carlos ay tanggap ang kanilang pagkatalo pero aminado si Gian na medyo nasaktan siya nang tinawag ang pangalan ni Marky dahil ang dami raw umaasang siya ang mapipiling ultimate male survivor.
Malaki na rin daw ang pasasalamat niya sa Starstruck dahil malaki ang ipinagbago niya magmula nang sumali siya sa talent search na ito.
Naniniwala si Iwa na ang ipinakitang attitude niya nitong mga huling araw ang hindi nagustuhan ng council at ng mga manonood kaya bumaba ang score niya.
Sa text votes, si Marky ang nanguna at sinundan ito ni Jackie. Ayon sa amin source, si Iwa ang may pinakamababang text votes kaya obvious na marami ang na-disappoint sa ipinakita nitong ugali.
Successful ang Final Judgement
Kung production value ang basehan, pinakamalaki ang katatapos na Starstruck 3 kumpara sa dalawang naunang Starstruck na pinanggalingan nina Jennylyn Mercado & Mark Herras, at Mark Tan & Ryza Cenon.
Napuno ang Marikina Sports Park hindi lang sa bleachers kundi pati sa monoblock chairs na nakapaikot sa entablado.
Saksi kami kung paano magkaawa ang ibang nasa labas na papasukin upang mapanood nila ang kaganapan sa loob.
Ang iba ay nagkasya na lamang na sumilip sa siwang ng mga rehas na nakaprotekta sa sports arena.
Nang magsimula na ang programa, hindi na napigil ang mga manonood na magsilapitan sa harap ng entablado para makita nang malapitan ang mga paborito nilang Starstruck talents.
Nakatulong ang kaluwagan ng venue para hindi mahirapan ang mga security na hawiin ang mga tao habang inalalayan nila ang mga artista papuntang stage.
May ilang metro ang layo ng dressing room sa entablado kaya gumagawa pa ng human cord ang mga security ng Marikina at GMA 7 para palibutan ang mga artistang patungo sa entablado.
Biro namin sa mga security ng Siyete, pag may magtangkang mag-take over ng istasyon, madali itong mapapasok dahil lahat na halos ng security nila ay nasa Starstruck.
SOURCE: Article by Rey Pumaloy of Abante Tonite
Marky and Jackie Congrats....
My prediction was right, i knew from the very start that Marky Cielo will be the Ultimate Male Survivor except for Jackie, coz i vote for Iwa, kaso nagpasabog kasi kaagad eh... Well Jackie is deserving, she got the looks, the beauty and a little more practice on singing, para magka-album ka din like Jennylyn Mercado and Yasmien Kurdi.
I just notice that all the male ultimate survivors, their names all starts with M (pansin niyo) Marky, Mike and Mark at halos magkakatunog pa, while J on the girls (pansin niyo din) Jackie and Jennylyn ewan ko lang si Ryza, nag-iisang R. But anyway, again Congratulations to Marky Cielo and Jackie rice The Ultimate Survivors of StarStruck batch 3. God bless and Good luck to your career.
Then there was MARKY

MARKY CIELO The First StarStruck Sole Survivor
The final judgment has been handed down. The people have spoken. MARKY CIELO is the FIRST STARSTRUCK SOLE SURVIVOR! He conquered the greatest adventure of his life with courage and determination to shine as a star. Maraming dinaanan si Marky. Nawala ang kanyang privacy. Maraming kritisismo sa kanya. Nalungkot siya dahil ‘di nakasama ang pamilya. “Na-mimiss ko sila kasi, although may new friends ka dito, iba ‘yong old friends,” sabi niya noon. Bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan, nauhaw siya sa malamig na hangin ng Mountain Province. Kinaya ni Marky ang lahat at pinatunayan niyang handa siyang humarap sa bukas. Hanggang sa huling sandali ng “StarStruck: The Nationwide Invasion,” it was a fight to the end. In the final arena JACKIE RICE, the ULTIMATE FEMALE SURVIVOR, faced MARKY CIELO, the ULTIMATE MALE SURVIVOR. But only one must reign. Only one can be named the FIRST STARSTRUCK SOLE SURVIVOR. It was a battle of wits. It was a struggle to survive. Amid the cheering and the screaming, the Filipino people decided, the judges handed down the verdict. It was Marky in the end. Ang pambato naman ng Olongapo ay parang prinsesa nitong Linggo. Poise na poise ang dalaga na minsang nangarap maging artista. Handa si Jackie sa anumang desisyon. Alam niya saan siya nangglaling. “Noong bata pa ako, pagkatapos kong manood ng TV, papasok po ako ng banyo. May mga salamin po do’n, di ba? Iniisip ko may camera.” “Masaya, maganda, pero hindi habang buhay magiging masaya kasi darating po ‘yong intriga, sisiraan ka.” Alam n’yang bahagi ito ng mundo na kanyang pinasok. Alam niya na kahit bata pa siya isa na siyang bituin. Kaya naman sa huli, she was a star whose light is as bright as Marky.
Marky Take 2 sa kissing scene
Naka take 2 si Marky sa kanyang kissing scene with the first ultimate female survivor ng starstruck na si Jennylyn Mercado. Kabado siguro...